Hindi kami matutuloy sa palawan. Kasi nagemail ang boss namin na kasama ako sa Oracle training next week. Nakalimutan niyang naka VL ako for one week. Magaling diba.
At akala ko pa naman sa birthday ko asa Palawan nako. Hindi pala. Asa Pacific Star pala ako nun. Lousy. LOUSY!!!!
Pero dahil wala na tayong magagawa (next time nalang kita magagamit, underwater digicam..) tignan nalang natin ang mga magagandang pwedeng mangyari (miski mas enjoy pa reng magbirthday sa Palawan):
1. Balak naming bumalik sa 1st week of September. So makakabalik pa naman kami.
2. May oras pa akong magpaliit ng tiyan.
3. Baka sakaling makakuha kami ng much much cheaper flight
4. I-train ako sa Oracle na matagal ko nang nirereklamo na kailangan ko dahil natatanga ako kapag DBA ang kausap ko (pero kasi sana di naman sinabay sa Palawan trip ko waaaaa!)
5. Pag nakabalik kami first week of September, andun den si Cristobal may kasamang "katropa" daw niya so wala kaming gagawin ni Beltran kundi pagtripan siya at mageenjoy na kami wahehehhehe...
6. Marami na kaming oras para pumunta sa Sta. Clara para mag-alay ng itlog at pagdasal na umaraw sa first week of September.
hmm. ano pa ba? magiisip pako...
Clash of the Titans
7 hours ago


