Monday, March 30, 2009

so kamusta naman ako?

- kitakits with rerey, botch, stell, migs and ebet last week. in fairness kinausap ako ni ebet di naman pala siya galit sakin (har har)
- hindi ako nakasama sa dinner nila sa sofitel :P
- met fanotnot and caloy yesterday. kwentuhan at tawanan sa Cafe Breton. Hindi nakasama si Amelia kasi may project sa GSIS na "ikauunlad ng bansa"
- planning to replace dwindling Versace Bright Crystal. ano bang maganda at mabango?
- jam-packed weekends
- nakakaintindi nako ng konting kapampangan :P
- malapit na mawala ang mga utang ko... i can feel it... konti nalang....
- mareregular nako dito sa work on April 21.
- naghahanap ako ng converter ng avi to mp4 para makapanood ako ng Lipstick Jungle sa iPodTouch (not mine, arbor lang)
- nasestress ako magmano (mano as in yung ginagawa sa mga matatanda...damn di ako marunong! di ako sanay =/ )
- i miss having margaritas with my girlfriends and gay friends...
- i miss having a girls' night out and not talk about boyfriends.

Monday, March 23, 2009

ito nanaman po tayo

nananahimik, nag-eenjoy, nagpapakasaya. when all of a sudden something nice falls out of the sky and landed on your lap. something nice to have but you dont necessarily need. something nice to have but you are not ready for yet.

and so you just push it aside but it wont let you ignore it. and soon you realize it sure is nice to have. period. no buts.

and then you got scared. nananahimik, nag-eenjoy, nagpapakasaya ka eh. what if it all went away? what if it hurts you? what will other people think? what will other people say? are you ready?

but then you start getting used to it and enjoying it and looking forward to it every single day. and the things that frighten you doesnt seem to be so frightening anymore. sure it still gives you the jitters but it's not as scary as before.

and so it begins. yet again.

God Save The Queen.

Thursday, March 19, 2009

Advice galing sa tatay

Anak, sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kahit hindi kami naging mag-asawa ng nanay mo, sana huwag kang magtatampo kung ikasal kami sa iba at magkaroon ka ng mga bagong kapatid. Magmahalan kayo bilang magkakapatid, at huwag ninyong gawing telenobela ang buhay ninyo dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay.

Mahalin mo ang nanay mo. Wala siyang ibang inisip kundi kapakanan mo. Kung paluin ka man niya o sigawan, ito ay dahil may nagawa kang hindi sang-ayon sa mga prinsipyo niya. Itanong mo kung bakit ka niya pinapagalitan. Kung mali ka naman talaga, huwag mo nang ulitin.

Piliin mong mabuti ang mga kaibigan mo. Huwag sumali sa barkada na may iisang stereotype. Huwag sumali sa barkada na puro jologs, puro conio, puro bakla, puro nerd, puro manginginom, o puro manyak. Siguraduhin mong nakikita mo ang lahat ng klase ng tao sa barkada mo. Mas marami kang matututunan sa kanila kesa sa TV o sa bahay mo. Marami silang maituturo sa’yo na hindi namin kaya, o hindi appropriate na kami ang magturo.

Maging fluent ka sa written and spoken English. Pag-aralan mong mabuti ang subject-verb agreement. Huwag kang matakot mag-consult sa dictionary o thesaurus kapag may hindi ka naiintindihan. Kasi anak, darating ang araw, makakaapak ka sa ibang bansa, at sigurado akong
marami kang makakausap na hindi makakaintindi ng Tagalog. Kahit saang sulok sa mundo, makakahanap ka ng nagsasalita ng English.

Gawin mo ang lahat para matuto kang mag-gitara. Pag-aralan mo ding kumanta ng nasa tono. Kahit saan mo kasi dalhin ang gitara, maaaliw ka e. Isipin mo yung mga bulag. Hindi sila nakakapag-Playstation. Hindi sila nakakapag-Internet. Hindi sila nanonood ng TV, at hindi sila
nakakapag-enjoy sa mall. Pero bigyan mo sila ng gitara at pakantahin mo, matutuwa sila. May kuryente man o wala, mapapasaya ka ng gitara.

Makinig ka sa mga kanta ng Beatles. Kapag naging aware ka na sa pag-develop ng musical style ng Beatles, kahit anong genre kaya mong i-appreciate. Sa kanila ka matututong magsulat ng poetry, at sa kanila mo rin matututunan kung paano lagyan ng music ang poetry na ito. Saan
ka nakakita ng banda na lampas 30 years nang naghiwalay, patay na ang ilan sa mga miyembro, pero sikat at ginagaya pa rin? Beatles lang ang makakagawa nun, anak.

Pagdating mo ng college, huwag mong kakalimutang subukan lahat ng kalokohan sa mundo. Bakit college? Kasi kung high school ka magiging sira-ulo, mawawalan ka ng options sa college. Baka sa walang kwentang money-centric computer institute ka bumagsak. Mag-aral ka ng mabuti sa elementary at high school. Dapat makapasok ka sa UP, Ateneo, La Salle, o UST. Dapat maganda yung course mo. Sa college, balansehin mo yung academics mo tsaka kalokohan. Gumimik ka pero pasukan mo lahat ng klase mo kinbukasan. Huwag magpakalasing kung wala kang siguradong uuwian at kung walang aalalay sa yo pag sumusuka ka na. Wag maadik sa
droga. Sumubok kang mag-marijuana pero subok lang. Kung dadating yung panahong hindi mo na mapigilang makipag-sex, siguraduhin mo lang na gaganda ang lahi natin kung sakaling mabuntis mo yung makaka-sex mo. Practice safe sex. Wag mong kakalimutang mag-survey ng lugar kung may camera o wala. Kawawa naman ang nanay mo kung malalaman niyang may
scandal ka.

Huwag mong gawing trial and error ang pagkakaroon ng girlfriend. Alamin mo muna kung ano ang kaya mong ibigay sa isang relationship, at kapag nalaman mo na, doon ka maghanap ng isang babaeng magiging masaya sa mga maibibigay mo. Pakinggan mong mabuti ang mga kuwento ng
girlfriend mo. Alamin mo kung ano ang mga gusto niya at mga ayaw niya. Huwag mong sisigawan. Dahil ang babae, kapag pinakinggan mo siya at alam niyang nirerespeto mo siya, mamahalin ka nun habambuhay.

Pagka-graduate mo, iwanan mo na ang mga araw na umaasa ka pa sa ibang tao para mabuhay. Matuto kang mag-ipon. Alamin mo kung tama yung kinakaltas sa sweldo mo. Pinaghirapan mo yang pera na yan. Huwag mong hayaang kunin na lang ng kung sinu-sino. Bago ka gumastos, lagi mong itanong sa sarili mo kung ang bibilhin mo ay isang NEED o isa lamang WANT. Sana maging accountable sa lahat ng ginagawa mo.

Oo, hindi maganda ang sitwasyon nung dumating ka sa mundo. Pero sana sa paglaki mo, huwag mong sisisihin ang mga pangyayaring ito kaya ka nagrerebelde o nalulugar sa masamang
landas. Ang buhay mo ngayon ay dahil sa desisyon namin na mabuhay ka. Pero tandaan mo to: lahat ng mangyayari sa buhay mo e dahil sa mga desisyon mo.

Anak, marami pa akong gustong sabihin sa iyo. Buti na lang naitanong ko sa isang kaibigan ko kung ano ang kaisa-isang advice na maibibigay niya sa anak niya, at eto yung nasabi niya sa kin. Sa lahat ng maibibigay kong advice, eto ang pinakamahalaga:

LEARN.

Huwag kang matakot matuto. Matuto ka sa Discovery at National Geographic channels. Matuto ka sa library. Matuto ka sa Internet. Matuto ka sa news. Matuto ka sa Bible, Koran, at teachings ni Buddha. Matuto ka sa mga pagkakamali namin ng nanay mo. Matuto ka sa mga
kaibigan mo. Matuto ka sa mga pagkakamali mo.

Nagmamahal,
Tatay

Tuesday, March 17, 2009

how some shoes and bags were made

naawa naman ako bigla. my sister sent me these photos:















oo nga pala, and i dedicate this post to ann.

Saturday, March 07, 2009

Ichiban 051204-030609

our dog ichiban died yesterday. rat poisoning. ambilis ng pangyayari.

i wish i could've hugged her more often.

:,c

Tuesday, March 03, 2009

nowadays...

travelfactor. calaguas. donsol. MK. Achilles. Pampanga. dentist. TMJ. Balance Transfer. Stars. Nik-nik marks. Sundays. money. "give & take". cars. calls. OT. gossip. Dee Dee. Keychains. lion fishes. closeted gay people. new father. engaged couple. terminated. pregnant women. Things To Do Before I Die. Shoegasm. Losing weight. Retouching roots. sleep. promises.