
I still cannot *fathom* how Ainshor can be prim and proper then all of a sudden pull a face like that!!!! Nadaig mo pako 'day!!!
Kamusta naman to! Pagkauwi ko sa bahay mega chat everly galore kami ni Ainshor sabay nagshutdown na siya at lahat, nagbrown-out na, nagka-ilaw na at saka ko lang naalala na birthday pala niya ngayon!
*sheesh*
Happy Birthdaaaaaay!
Eto naman some fascinating trivia trivia about you, Ainshor!
* Nung bata pa kami... kung super curly hair ako ngayon.... mas kulot pa sakin yan noon! Kaya bata pa lang salot na!
* Daig pa ang buntis dati kung kumain ng mangga na may bagoong.
* Laging may crush sa matanda: Si Miko Rios, si Lawrence Guevarra, si Dennis delos Reyes, si Dodi Aniciete at higit sa lahat, yung tito ni Jonathan na nagmamaneho ng tricycle #7
* Nung bata pa sila ni Ann nagtatatalon sila sa kama tapos biglang nagnose bleed siya dahil siguro sa init. Si Ann iyak ng iyak kasi akala mamamatay na si Angel.
* Pinaka naunang magyosi sa YA.
* At speaking of YA siya ang nakaisip ng pangalan na yan! Pati ang GM. Kasalanan mo to Ainshor!
* Ang galing galing galing magsulat gurabe! Ang galing gumawa ng twists sa stories at nagagawa pa niyang humorous. Palibhasa barbero kaya sanay na sanay.
* tuwing may dance ginagawa niya yung sayaw na parang pumapatay ng lamok tapos wala sa tono (parang sayaw daw ni Kris Aquino).
* Inaamoy yung mga lumang libro sa library nila tas sasabihin "amuy gamit na pantiliner!" tapos aamuyin pa ng paulit ulit with the same grimace.
* Speaking of barbero, na-isulat ko na to sa testi ko sa kanya: na siya ang source ng kung ano anong kwento: trivia trivia (sobrang pagbabasa ng MoneySaver), chismis, ghost stories, mga tv series na napanood niya, at kung ano ano pa. Napaka animated pa kung magkwento. Kung ako Dolby Surround magkwento, eto na ang THX+IMAX+Director's Club in one.
* My resbak on the web. My outlet one difficult night. My #1 reader (haha).
* Laging hinaharrass ng mga manyakis sa daan.. naglalakad sa may condo nila tas may nagbibisikleta sa daan pinakitaan siya ng etits "miss, anlaki no?"
* Nawala sa sirkulasyon for a time (parang ako lang den)

















