hindi naman pala mashyadong malamig (dili man totemo samui) at may time pa nga na mejo jinajabbar nako sa suot ko pero kebs lang basta nakaporma pa den.
so punta kami sa isang mall ditey na di naman mashadong kalakihan, carry lang, at tingin tingin. Lunch time kumain kami sa isang "authentic" (daw) na Japanese resto na kelangan magtanggal ng sapatos. pagtanggal ko, bumigay ang swelas ng aking trusty boots dahil sa lamig ng ground.
so lafang muna at picture picture at saka pumunta sa dept store para maghanap ng Shoe Glue. Mejo nauubos na ang oras ko kakaikot kaya sinabi na ng instinct kong wag nako magmarunong; magtanong nako sa tindera.
So binuksan ko na ang Japanese-English dictionary ko at nalamang ang Nihonggo ng glue ay "
nori".
so napagisipan kong ituro konlang ang nakasulat kasi baka pag naghanap ako ng "nori" eh abutan ako ng seaweed.
lapit nako sa isang tinderang sunki sunki ang ipin.
ME: excuse me! sumimasen!
TINDERA: hai! irasshaimase!
ME: glue.
TINDERA: nakatulala (*wakarimasen*)
ME: *tinuturo ang nakasulat sa dictionary* glue! glue!
TINDERA: *di pa ren maintindihan* *napatingin nalang sakin at tumawa* hahhahhahaa!
ME: hahhahahahah!
so ayun mga ilang seconds den kami tawa ng tawa pero di kami nagkakaintindihan
ME: *sabay turo sa nakangiting swelas* glue! *sabay demo ng paste na nilalagay kunyari*
TINDERA: *naliwanagan* ah! groo! groo! nori? nori?
ME: *nagalak* OO!! YES!!! HAI! HAI!!!
alam niyo yung lakad ng mga Hapon na maliliit ang steps na kala mo nakagapos yung hita? totoo pala yun! so tumakbo siya ng maliliit ang steps papunta sa school supplies section and with a triumphant grin at pinakitaan ako ng...
Elmer's Glue.
mejo iniisip ko pa kung ano ang Nihonggo ng paper buti nalang nakita ko ang Loctite. ("Kore wa!!!") Nag-Arigato Gozaimasu ako sa tinderang nakabungisngis with mega yuko yuko everly hanggang sa sumakit ang batok ko.
Pagdating sa counter kachismisan nung tindera yung kahera kung san ako magbabayad
KAHERA: Konnichiwa!!!!
ME: Konnichiwa!!!
KAHERA: (kung ano ano na pinagsasasabi dikona maintindihan)
ME: Wakarimasen
KAHERA: Wakarimasen!!! HAHAHAHAHHAHA!
ME: HAHAHAHHHA!!!
so nagbayad nako at nag-Arigato muli, bow bow ulit at gumora na.
So mukhang ok naman pala ang mga Hapon, mukhang ok naman sila kakwentuhan kaso yun nga lang diko talaga sila maintindihan.