Para sa lahat ng taong nagtatanong kamusta ang lakad ko... para sa inyo to! Para isang kwentuhan nalang den. Imaginin niyo nalang na magkasama tayo habang umiinom ng kape sa Istarbak (or Bastille), naga-arozcaldo sa Goto King, nagwa - Walastik, naglalafang sa Pollo Loco, nagmamargarita sa Piedra, nagbi-beer sa TOTAL o nagbabay bay sa Marikina.
Sayang hindi Dolby Surround.
---------------------
October 13 (Saturday) (Lunch)Before lunch hinatid ako ni Mang Ping sa ehport. Di naman ako late, sakto lang. Check-in at natuwa kasi di ako pinapagbayad ng Travel Tax.
Naghanap ng makakainan sa ehport, kasi nga naman it's lunch time. So nakita ko may mga burgers at sandwhiches sa St. Cinnamon. Kamusta naman ang mga pagkain! Ginto! Eh parang gawa lang naman sa canteen yung burger nila! Ang malala, yung maliit na bote ng C2, P55.00!!! Que Horror! Buti nalang bading yung nagtitinda... nakatawad ako ng piso sa mineral water (seryoso).

So anyway, tinawag na ang flight ko, sakay naman akey at flylaloo na akey papuntang HK. Nagserve na ng food, ang sarap sarap ng fruit salad at ng juice! At binigyan pa ako ng stewardess ng free Cathay Pacific pen! Hwow! What a great start! This is going to be a great trip!
Nung tapos na i-serve ang pagkain at niligpit na ang mga kagamitan, nagbuklat ako ng mapa para siguraduhing tama ba talaga yung mga pupuntahan ko dun. Review - review ba para pagpunta ko dun di ako mag mukhang tanga (and so the adventure begins....)
Paglapag ng HK, andaming arrow kaliwa't kanan!! Merong mga "Arrival", "Toilets", "Transfers", "Baggage", "Chenelyn", "Kemedoo" at kung ano ano pa. So ako naman, naiwan ang utak sa eroplane, nakinig sa "Instinct" ko. At sabi ng "Instinct" ko, maglakad daw ako sa kaliwa.
So lakad naman ako, patext text pa para kunyari dikona kelangan tumingin sa paligid dahil alam ko ang ginagawa ko. Eh kaso natatanaw ko na yung dulo: Dead End. And it hit me, yung "Arrival" pala na may arrow na nakaturo sa kanan eh para sakin pala yun (hee hee). So about-face ako kunyari bigla ako na-ihi at kelangan ko magCR pero echoss lang yun at naglakad ako ng pagkahaba haba 48 years at nakarating den ako sa Immigration kung saan naalala ko ang kwento ni Botch na pumila daw siya dati ng pagkahaba haba pagdating sa counter sabi sa kanya kelangan daw niya magfill out ng form (so kuha daw siya ng form at balik sa pila at pagdating sa counter pinaalis ulit siya kasi maling form daw ang sinulatan niya mwehehhe)
So shempre hindi na nangyari sakin yun! Eyahoo! I'm now in HK soil at buhay pa ako. So alam ko may MTR dito somewhere and sure enough, may counter ng Airport Express at sabi nung manong na kamukha ni Sammo Hung pwede pa daw ang Octopus Card ko from 2 years ago pero may negative daw na $2. Ok fine eh di reload reload tapos tinanong ko asan ba yung tren sabi niya dun daw sa likod.
So habang naghihintay ako ng tren (which arrives every 12 minutes) nagbasa basa muna ako kung may bayad ba itong tren na to eh along my reading I came across the word "FREE". Tinignan ko ang paligid wala naman parang gates kung saan ipapasok ang ticket or i-tap yung octopus card. yung mga kasabay ko wala reng hawak na ticket. so hwow! How nice naman ng HK Govt to lend this service for free! So dumating ang tren, sakay ako at naisip kong bumaba sa Kowloon.
Pagbaba ng Kowloon, may turnstiles kung saan ipapasok mo ang ticket (or i-tap ang Octopus card) at yung mga kasabay ko naglabasan ng ticket na binili nila sa airport.
At ako nakatayo lang dun at napatingin sa isang Chinese na lady guard at tinanong "Why don't I have a ticket?"
Duh. Napatingin na lang den siya sakin. Buti at di ako kinutos at minura "Kasalanan ko ba kung wala kang tiket?! Dugyot!"
So punta nalang ako ng Customer Service
ME (nagmamaganda pa): Excuse me, I don't have a ticket. Where should I buy the ticket in the airport? (anlabo pala nung tanong ko pero nung time na yun F na F kopa yung pagkakasabi ko)
CSR: If you have octopus card...
ME: I have an octopus card!
CSR: Let me see so I can check how much is the balance..
ME (kinakabahan kasi mukhang may bayad nga...): how much is the airport express? (aba mayaman bibilhin ang tren)
CSR: niney doh-rar.
ME: WHAT?!
CSR: niney doh-rar. nine-zero. ($90)
ME: *pukengina* (pero naglabas nako ng HKD100)
CSR: how much do i load on your octopus card?
ME: ALL!!! (mayabang)
at eto... diko talaga napigilan....
ME: I thought the Airport Express is FREE!!!!
CSR (napatulala): What?! Not free!
Siya siya siya! Wala nakong sinabi! Tumalikod nalang ako at ni-tap ang octopus card at lumabas.
-------------
Casualties:
Terminal Fee: Php 700
St. Cinnamon Burger (parang Burger Machine): Php 115.00 (oo seryoso ako)
C2: Php 55.00
Mineral Water (small): Php 51.00 (pero 50.00 nalang kasi chinika ko yung bading)
Octopus Card reload: HKD 150 (nagload ako ng $50 kay Sammo Hung at $100 sa CSR)
to be continued.....