Nagpanaw na ang dati naming boss na si Sir Ken. Nakakagulat lang. Kasi miski wala naman siyang direct impact sa buhay ko, (Maliban dun sa time na nag-inuman kami sa Tgonz Grill at pinilit akong uminom ng beer hanggang sa malasing ako't umuwi ako ng Bicutan at muntik pako umakyat ng Skyway... tapos kinabukasan 10:30am na ata ako nakapasok) (nagkaron pa ako ng video na kumakanta ng Let's Get Loud habang lasing na di ko na alam kung nasaan.) nagulat at nalunkot pa den ako.
Alam niyo yung pag may kakilala ka ng namamatay, parang nagiisip ka ng mga masasayang pinagsamahan niyo and everything? Kay Sir Ken kasi wala ako maisip (maliban na nga lang dun sa nilasing ako). Tahimik lang kasi talaga ito si Sir Ken. Korny pa magjoke. Wala ren akong maisip na time na directly tinulungan niya ako sa projects ko. Wala lang. Pero nakakalunkot pa ren nung nalaman kong namatay. Kasi miski hindi kumikibo may pinagsamahan pa ren naman kami.
Lalo na nung nalaman ko ang story nung last few months niya on Earth.
Two months ago pala naaksidente siya. Car crash. Umuwi sila ni TBlack galing lakad tas si Sir Ken ang nagmamaneho. Nabangga sila, and both of Sir Ken's ankles were broken. So 2 months siya nakawheel chair. It gave him time to bond with his wife and kids. Sinasabihan pa daw niya ang wife niya na strong daw siya and everything.
Then one night, while eating ice cream, ayun. Inatake na sa puso. He was rushed to the hospital. Kaso di na nagtagal. Alam ko wala pa siyang 40 years old.
Alam mo yun, he may not be the best boss. And wala ren namang direct impact sa buhay ko. Pero kasi pag naririnig mo mga stories about him... how he felt kind of lonely kasi he was one of the very few remaining American expat dun surrounded by Koreans, or nung time na ang haba ng reply niya kay Sir Kim sa text, or yung inuwi ni Sir Kim personal belongings niya sa office at nakita na ren finally ng wife niya ang nawawala niyang lunch box, little things lang. Makes you think and wonder... ikli lang talaga ng buhay. Nananahimik ka kasama ang pamilya mo kumakain ng ice cream, maya maya wala ka na.
Ika nga ng officemate ko, ang moral daw ng story: Wag kumain ng ice cream.
:s